February 26, 2012   1 note

Bawat tao naman siguro may problema.

Ang tao lang siguro ang magaling magtago ng nararamdaman. Sabihin niyo man o hindi, alam kong bawat isa sa inyo ay may pagsubok na pinagdaraanan. Nasa bawat isa din naman kasi sa atin yan eh, kung pano dadalhin ang mga problema natin. Pero minsan, umaabot ka na sa puntong parang may koronang tinik na nakapatong sa ulo mo na isa-isang bumabaon ang mga tinik habang hinaharap mo ang mga ito.

Lahat naman ng bagay ay may dahilan kahit papaano mo pa dayain ang kapalaran, kahi gaano mo man ito itago, wala kang magagawa. Parang lobo na pag pinalipad mo sa kalangitan, walang kang matataguan. At sa ayaw mo man, sa pagputok ng lobong ito, lalabas ang mga problemang iyong tinatago. At sa problema na ito ay matututo tayong harapin ang mas mabibigat pang problema na ating haharapin.

  1. carlalola posted this