Anak.
Yung movie dati ni Vilma Santos and Claudine Baretto. Naalala ko lang dahil naghahanap ako ng pwedeng imonologue sa performance namin sa Tuesday. Sa unang part ng movie, bwisit na bwisit ako kay Carla (Claudine Baretto) Oh diba kapangalan ko pa. :D Pero nung umabot na sa part na nag open-up na yung anak sa ina…napahiya ako. Dun sa confrontation nila. Naisip ko na lagi na lang daing ng mga magulang ay nag-aabroad kapag tinanong kung bakit napakalayo ng loob ng mga anak nila sa kanila. Ang totoo niyan, hindi materyal na bagay ang hanap ng mga anak na tulad ko. Ang hanap namin ay mga magulang na laging nasa tabi namin sa oras ng pangangailangan...Yun ang di kayang bayaran ng ano mang halaga. di mahalaga sa mga anak kung magutom sila.