February 18, 2012

And because the Altar Servers made my night :”>

Hayeep sa title diba? HAHAHA. Well, here it goes. Gumising ako nang ako lang mag-isa sa bahay. Nagpaiwan kasi ako kasi maghahanap sila mama ng condo sa Manila. All-day akong mag-isa. Yung feeling na hindi ako nakakain ng lunch, merienda at dinner dahil sa katamaran kong magpadeliver at magluto. Gusto kong gumala kaso wala rin. di ko rin alam kung saan pupunta. Naalala ko PCY Ball nga pala. Inaya ako ni F maging partner last week kaso gabi na yun kaya for sure di ako papayagan ni mama. Kaya wala siyang partner tonight. De ayun nga, lonely ako sa bahay. Tapos tumawag si F, nasa labas na daw sya ng bahay namin, di na nila tinapos yung ball. Pagbukas ko ng gate, bumungad si JERVIN (natatandaan nyo sya? Siya yung nasa post ko a year ago. Ex-crush ko) Nagigitara siya tapos nagkatitigan lang kami then after a few seconds, andun rin pala yung mga iba pang mga kaibigan nya. sila ALDRIN, LEVIN, BIEN, LOUGIE, ELIEZAR at at at at at syempre si FRANSOOOOON. :”> SHEMAAYYY. hindi ko ineexpect na kakantahan niya ko. Grabe. Ang sarap sa feeling. di ako makaget-over. Then binigyan nya ko ng rose na siguro galing sa ball, HAHAHA. ‘chos. Ayun, nakakahiya man kasi nakatingin lahat ng mga tao at sasakyang nadadaan pero Kilig 101% =)) PLUS. syempre di mawawala ang komedya. kinantahan nila ko ng kantang pansimbahan. LOL. Sakristan nga kasi. haha. then nung magpapaalam na “THANK YOU! THANK YOU! ANG BABAIT NINYO!” Daming alam na kalokohan. haha. pero so far, so good. They mad my night. :”>