February 4, 2012

TETRIS = LOVE.

Dati siya lang ang STAR ko. Tulad ng star sa TETRIS, ayokong mawala siya. yung STAR na pinaglalaban ko kahit alam kong wala na. Yung tipong pipili ako ng tamang lugar, yung hindi pwedeng bagsak lang nang bagsak. Kasi ‘pag bitaw ka lang nang bitaw, hindi mo alam unti-unti ka na palang natatalo. Kaya masarap magtetris eh. Parang LOVE.