PRANGKA.
Kung may plastik may mga taong prangka din. Eto naman yung SOBRANG makapag salita kung baga walang preno sa pag sasalita kung ano yung makita niya e i-jujudge niya agad.
Minsan maganda rin naiidudulot ang pagiging prangka kase nag papakatotoo siya sa tao at sinasabi niya yung totoo sa way na hindi niya masasaktan yung tao.
… Pero eh ibang usapan na yung sobra na sa pagiging prangka kung sa bisikleta eh kung walang preno dire diresto lang wala siyang pake kung may mabangga man o may masaktan man siya.
Kaya kung ugali mo rin ang pagiging prangka ingat-ingat lang sa bawat salitang binibitawan mo at huwag agad mag husga tignan muna ang sarili sa salamin bago mang husga.