January 30, 2012   3 notes

Hey Daydreamer!

Lahat tayo, mapa-girl, mapa-boy, bakla o tomboy, butiki o baboy, sabik sa pagka-kilig. Kung hindi man sabik, naghahanap, nag-hahangad, o minsan nag-iimbento ng kung ano ano para lang kiligin. Alam ko alam niyo yun. Yung tipong nung una puro kilig kasi ‘pag nakikita mo si crush, nakukumpleto na araw mo. Yung tipong nadaplos lang ng tingin sa’yo e, halos mapatay mo na yung kaibigan mo sa kakapalo. Andyan yung naglagay lang ng smiley sa text, o kahit walang smiley basta nagtext. At syempre yung naglike sa post mong para sa kanya naman talaga.  Kikiligin ka naman talaga sa mga ganitong pagkakataon. Pero pagdaan ng panahon, mapapaisip ka, “Hanggang dito nalang ba ko? Hanggang pangarap? Hanggang kilig? Hanggang nakaw na sandali?” Yung smiley at like na nakuha mo, that’s all you’re ever gonna get. Alam mo yan. Alam mo lahat ng yan, pero hinahanap hanap mo pa din yung kilig na yan. Ano ka, high school? Kinder o elementary? Hindi lang kilig ang mag-papasaya sa’yo.

Wag kang masyadong mag-expect sa mga pa-daydream daydream. Walang patutunguhan yan. Hihintayin mo pa bang dumating sa pagkakataong ang kilig ay mapunta sa sakit? At ang pagpalo sa kaibigan, mapunta sa pag-iyak sa balikat?

  1. captainpilipinas reblogged this from carlalola
  2. carlalola posted this